_ngayon
^

3 tiklo sa iligal na droga

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang 20-anyos na babae at dalawa pang lalaki makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Valen­zuela City Police, kamakalawa ng hapon.

Nakaditine ngayon sa Valenzuela Station Anti-Illegal Drugs-Special Ope­rations Task Group ang mga suspek na sina Lalaine Dionisio, ng no. 51 Sta. Cruz Apartment, LGP, Meycaua­yan, Bulacan; Joey Domingo, alyas “Nonoy”, 37; at Bobby Rodriguez, alyas “BJ”, 26, kapwa ng Man­sa­nas Street, Bilog, Balangkas, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, matagal nang minamanmanan ng pulisya ang iligal na aktibidad ng mga suspek kaya ikinasa ang operasyon dakong alas-3 ng hapon sa may Mansanas Street. Gamit ang isang poseur buyer, nakipagtransaksyon ang mga suspek sa pagbebenta ng iligal na droga.

Hindi na nakapalag ang tatlo nang dakmain ng mga pulis matapos na tanggapin ang marked money buhat sa buyer. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, P300 marked money at isang balisong.

Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.  

 

BOBBY RODRIGUEZ CITY POLICE CRUZ APARTMENT DRUGS ACT DRUGS-SPECIAL OPE JOEY DOMINGO LALAINE DIONISIO MANSANAS STREET TASK GROUP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with