^

Dr. Love

Nasa ilalim ng kama ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Greg. Itinatago ko ang aking gf sa loob ng aparador namin para hindi kami mahuli ni papa. Ayaw niya muna kasi akong mag-gf dahil kailangan kong mag-focus sa pag-aaral. Maging isang abogado ang gusto ni papa para sa akin.

 

Hindi niya naituloy ang kanyang pangarap na mag-abugado dahil nagloko at nakabuntis siya, ako ang naging anak niya sa kanyang unang asawa.

Ganun din kasi ang ginagawa niya. Nagtatago siya kay lolo para hindi siya mahuli. Hindi nga siya nahuhuli, kaso may ebidensiya… lumaki ang tiyan ng gf niya. Hayun! Pinatigil siya ni lolo sa pag-aabugasya.

Lahi kami ng mga lawyers. Sa totoo lang, si papa ang tanging hindi naging abugado. Ang dawala niyang kuya ay mga attorney na.  May sarili-sarili na silang opisina.

Si papa naman ay nag-focus na lang sa business ng bigasan.

Sem break naming, kaya inaya ko ang gf ko sa bahay namin para mag-jamming at alam mo na. Habang nasa kainitan kami ay bigla na lang kumatok si papa.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya pinatago ko sa kama ang gf ko. Marunong si papa alam niya ang mga diskarte kong palpak. Ayun, pareho kaming nasabon.

Hindi rin kami nakatiis at pinalabas ko ang gf ko mula sa ilalim ng kama, hayun nalagot ako. Hindi tuloy kami pwedeng magkita ng gf ko sa susunod na semester dahil last sem ko na para grumadweyt.

Greg

Dear Greg,

Dapat lahat ay nasa tamang lugar! Kaso ‘yung gf mo nasa ilalim ng kama. Alam mo naman na hindi lahat ay nagiging successful sa kanilang mga profession dahil na rin sa mga iba’t ibang dahilan. Madalas ay ang distractions. May mga hindi nagtutuloy dahil wala sa focus.

Tanungin mo ang iyong sarili kung seryoso kang maging attorney balang araw… isang mahusay na lawyer. Aba! Dapat ngayon pa lang ay may disiplina ka. Pwede naman mag-gf sa tamang panahon. Kung mahal ka naman ng gf mo eh, no worries. Sige sa uli uli ay magpapaalam ka lagi para hindi ka nasasabon.

DR. LOVE

vuukle comment

GREG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with