Hinanakit ng tiyahin
(Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

DR. LOVE 1021

Dear Dr. Love,

Ako po si Ada. Hindi ko lubos maisip na ang mismong pamangkin ko ang manlalait sa akin at aawayin ako dahil sinabihan ko na huwag patulugin ang kanyang girlfriend sa kuwarto ng mama niya. Pati ang bunso ay nagalit din.

Kabilinbilinan kasi ng kanilang mama, ng a-king kapatid na, bago umalis ng Pinas na huwag na huwag mag-uuwi at magpapatulog ng babae ang kanyang dalawang anak na lalaki.

Aba’y nagsisisigaw sa kalye at nagwawala. Nakakahiya lalo na ang panganay. Hindi naman sila nakainom at sinaway ko lang.

Simula’t sapol ako na ang nag-aalaga sa kanila. Hindi ko akalain na sasagutin ako ng ganun-ganun lang.

Hindi na raw sila bata para sitahin sa anumang desisyon nila. Hindi naman ako nanghihimasok sa kanila pero ito ang bilin ng kanilang ina.

Ayaw ng mama nila na matulad sila sa kanilang papa, nambabae at kung sinu-sino ang dinadala sa bahay nila na dahilan para maki-paghiwlay sila.

Matapos kong palakihin at arugain ang mga batang ito, ganun pa ang kanilang igaganti sa akin.

Ayoko silang patulan at ayaw ko ring sabihin sa kanilang mama baka ako pa ang masamain. Pero hindi naman gagawin sa akin ng aking kapatid iyon.

Mabait ang aking nakababatang kapatid. Sana huwag silang tularan ng ibang kabataan na kung ganun na lang itrato ang matanda.

Hanggang dito nalamang po. Alam ko naman na nakikitira lang ako sa kanila at gusto ko na nga sana silang layasan pero naaawa lang ako sa kanilang mama. Kapatid ko siya at mahal ko ang kapatid ko. Bilang tiya nila, sana konting respeto.

Ada

Dear Ada,

Bakit nga ba mapupusok ang damdamin ng mga kabataan ngayon? Maling mali ang kanilang ginawa. Dapat lang na malaman ng iyong kapatid ang kanilang ginawa. Hindi para palakihin ang gulong ginawa nila, kundi para maitama ang kanilang maling pagtrato sa iyo. Kung nagagawa nila sa iyo ang ganyan, paano na sa ibang tao?

Paalala sa mga kabataan, galangin natin ang mga matatanda sa atin kahit hindi sila ang magulang natin.

DR. LOVE

ADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with