^

Dr. Love

Broken marriage

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sagrado para sa akin ang pagsasama ng mag-asawa sa ilalim ng matrimony ng kasal, kaya naman ganun na lang ang pagkabagabag ko sa sitwasyon ngayon ng akin anak at manugang.

Bagaman nasa proseso na ang legal separation ng aking anak na si Marideth at asawa niyang si Bamboo ay hindi na ako makahirit sa kanya. Dahil hindi na talaga sila magkasundong mag-asawa.

Ang nakapagtulak sa aking anak ay ang pagka-alcoholic at hilig sa pambabae ng manugang ko. Dumarating na rin sa puntong pinagbubuhatan na niya ng kamay si Marideth ang aking dalawang apo kapag hindi nasusunod agad ang kanyang gusto.

Sinubukan ko na silang kausapin at pinayuhang mag-isip-isip dahil wala naman sa kanilang dalawa ang lugi, kundi ang aking mga apo. Kapwa na rin sila sumailalim sa marriage counseling, pero nanatili ang pasya ng aking anak na ayaw na niya.

Kay Marideth mapupunta ang kustodiya ng aking mga apo dahil walang kapasidad ang aking manugang na tanggal na sa trabaho dahilan sa madalas na pag-absent. Matatag ang trabaho ng aking anak at masinop siya sa kanyang kita.

Plano niyang lumipat ng bahay at ibenta ang bahay at lupa na naipundar niya noong dalaga pa siya. Kinukumbinsi ko siya na bumalik na lamang sa bahay ng aking mga magulang sa probinsiya para maalalayan ko siya sa pag-aalaga sa mga apo ko.

Pero ayaw daw niya akong idamay at ang kapatid niya sa kabiguan ng kanyang pag-aasawa. Alam kasi ng aking anak na sa simula palang ng relasyon nila ni Bamboo ay tutol na ako.

Pagpayuhan po ninyo ako kung paano ko makukumbinsi ang aking anak na sa bahay na lang ng kanilang lolo at lola tumira. Gusto kong ako ang siyang mangalaga sa aking mga apo.

Hihintayin ko po ang inyong payo. Maraming salamat and more power.

Gumagalang,

Cristina

Dear Cristina,

Marahil na iniinda pa ng kalooban ng iyong anak ang naging sablay na relasyon nila ng kanyang asawa, kaya wala pa siyang kapanatagan sa mga susunod na mahalagang desisyon na dapat niyang gawin.

Sa ngayon ay alalayan mo muna siya. Kapag relax na siya ay saka mo subukang muli na kumbinsihin siya. Hindi nabanggit kung ilan taon na ang iyong mga apo, kung magagawa na rin sana nilang magsalita para makiusap sa kanilang ina sa piling na ninyo manirahan.

Mabisa ang dasal para matamo ng anak mo ang kapanatagan, kaya lagi mo siyang isama sa mga idinudulog mo sa Diyos. Kasama mo ako sa panalangin na makapagdesisyon ng mabuti si Marideth.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with