^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po sa inyo at sa inyong readers ng Dr. Love. Tawagin n’yo na lang akong Reynante, 30-anyos at may kinakasama.   Dalawang taon mahigit na ang pagsasama namin ni Tita pero may dumating na babae sa buhay ko na nagpatibok sa aking puso.

Nakilala ko siya sa isang pistahan dito sa aming lalawigan at na-love at first sight ako sa kanya.  Ayaw ko namang hiwalayan si Tita dahil magdaramdam siya. Alam kong mahal na mahal niya ako at maski papaano ay may pinagsamahan kami.

Kaya nagugulo ang isip ko. Sino sa kanila ang aking dapat iwaksi sa buhay ko. May anak na kami ni Tita at concerned din ako sa future niya.

Hindi ako makapagdesisyon kaya tulu­ngan mo ako.

Reynante

Dear Reynante,

Hayaan mo munang linawin ko na hindi ako pabor sa live-in na walang kasal. Pero kung ako ang nasa katayuan mo, iisipin ko na kahit umibig ako sa iba, may anak ako sa aking kinakasama. Yun ang prayoridad ko at hindi ang aking sariling pagnanasa.

Kaya gaano man kamahal sa akin ang bagong babaeng nakilala ko, doon pa rin ako makikisama sa dati.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with