^

Dr. Love

May dominanteng biyanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,


Hello po, Dr. Love!

Lumiham po ako sa inyo dahil nais kong mabigyan ninyo ako ng payo kung paano po maaayos ang pakikisama sa isang biyanang babae na dominante dahil sa tuwing bibisita siya sa aming bahay, ang lahat ng gusto niya ang nasusunod.

Hindi pa po kami nakakaisang taong nagsasama ng asawa ko at pareho pa lang kaming nagsisikap na makaipon para makapagpatayo ng sariling bahay at makabili ng sariling lote. Sa estado ng kabuhayan namin, mukhang forever na kaming magtitipid para mapagkasya ang lahat ng gastusin sa aming kinikita sa pagiging empleyado ng gobyerno.

Ang hiling po ng asawa ko ay maging magiliw ako sa kanyang ina at pagbigyan ang mga paglalambing nito. Noong una ay hindi po ako makapagsalita sa mga damit ko, tuwalya, kurtina, kumot, mga kutsara at tinidor, kahit basahan na bigla na lang nawawala.

Mamamalayan ko na lang na inilalagay na sa sako ng biyanan ko, dahil hiningi na raw niya ang mga ‘yun sa asawa ko. Ang sabi ko, ginagamit ko pa ang mga pambahay na ‘yun. Laging ganito ang sitwasyon kada nasa amin ang biyanan ko.

Hanggang ‘di na ako nakapagpigil, dahil maging ang mga lampin ng sanggol at iba pang gamit na halos kabibili ko lang lahat ay nawala na naman. Sinabi ko sa asawa ko, na kailangan na namang bumili. Kaya bago pa maka-strike three ang biyanan ko ay inilo-lock ko lahat ng cabinet bago pa siya bumalik sa amin.

Naging issue ito. Kung dati ang bilas ko na asawa ng kuya ng mister ang nariringgan ko ng hindi magandang salita  mula sa aking biyanan, ganon na rin ang sinasabi niya sa akin, maging ng mga hipag ko. Nagbago na raw ako.

Hindi ko po papatulan ang biyanan ko, gusto ko lang ipaalam sa kanya ang limitasyon. Kung ‘yong nanay ko nga hindi magawa sa akin ang ginagawa ng aking biyanan.

Maraming salamat po sa pakikinig ninyo sa aking problema.

Gumagalang,

Nieves

Dear Nieves,

Mahirap talagang makibagay sa biyanan, lalo na’t mayroon nang edad.

Ang masasabi ko lang, habaan mo na lang ang pasensiya mo dahil ina siya ng asawa mo. Hindi kita masisisi kung kinakailangan mong i-lock ang lahat ng cabinet. Sadyang mali ang basta na lang kumuha ng gamit nang may gamit. Marahil ngayon malinaw na sa biyanan mo ang mensahe mo.

Sa kabila ng lahat, pagsikapan mo pa rin siyang pakisamahan at irespeto.

DR. LOVE 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with