^

Dr. Love

Pinagsabay ang legal at illegal wife

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pagkaraan ng 20 taon naming pagsasama ng asawa ko, saka ko pa lang natuklasan na matagal na pala siyang may ibinabahay na babae at naanakan niya ito ng dalawa.

Ang masakit pa Dr. Love, halos magkasing-edad ang mga anak niya sa kabit at sa akin. Ibig sabihin, ilang taon pa lang kaming nagsasama ay mayroon na siyang ibang babae.

Ang akala niya, ngayong nabuking na siya, hihiwalayan ko siya o pamimiliin ko siya kung sino sa aming dalawa ang pakikisamahan niya. Pero sa kabila ng lahat ay mahal ko ang asawa ko at ayaw kong masira ang pamilya namin.

Pero Dr. Love, malinaw sa akin na ayaw iwan ni Sammy ang kerida niya. Kaya nagpasya akong kausapin si Lorrie, inalok ko siya ng pera para layuan ang asawa ko at binantaang idedemanda ko siya ng adultery. Alam kong takot siya dahil masisira ang pangalan ng opisyal niyang ama. Kinausap ko rin ang mga magulang niya para ipaalam na seryoso ako.

Ipinadala nila si Lorrie sa abroad kasama ang dalawang anak nila ni Sammy. Hinahadlangan ng asawa ko ang lahat pero sinupil siya ng ama ni Lorrie. Sa madaling sabi, nagkahiwalay ang magkalaguyo.

Ang masaklap lang, hindi na nabalik ang kaligayahan sa aming pamilya. Malamig si Sammy. Okey lang po ‘yun, ang pakiusap ko lang ay huwag niyang ipahalata sa mga bata na hindi na kami gaya ng dati.

Ayaw ko po sa aming sitwasyon, ano po ang dapat kong gawin para manumbalik ang masaya naming tahanan?

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham ko.

Gumagalang,

Zorayda

Dear Zorayda,

Ginawa mo na ang lahat para mapanatiling buo ang inyong pamilya. Kung pinarurusahan ka ng asawa mo sa ginawa mong ito, may diperensiya na ang kokote niya.   Subukan mong magpa-counseling kayong mag-asawa bilang huling baraha mo para mapanatili ang inyong pagsasama.

Kung ayaw niya, hingin mo na ang tulong ng magulang mo...baka sakaling tablan siya ng hiya kapag ang ina at ama mo na ang makipag-usap sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

ALAM

ASAWA

AYAW

DEAR ZORAYDA

DR. LOVE

GINAWA

LORRIE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with