^

Bansa

Mayon itinaas sa alert level 2

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayon itinaas sa alert level 2
Alas-6 ng umaga kahapon, nagtala ang Ma­yon ng 47 beses na pagtilapon ng bato nitong December 31, 2025, ang pinaka mataas na insidente na nakita sa isang araw sa nagdaang mga taon.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 status ang Bulkang Mayon sa Bicol.

Ito, ayon sa Phivolcs ay dahil sa pagtaas ng aktibidad ng naturang bulkan na maaaring maging daan nang mapanganib na magmatic eruption.

Alas-6 ng umaga kahapon, nagtala ang Ma­yon ng 47 beses na pagtilapon ng bato nitong December 31, 2025, ang pinaka mataas na insidente na nakita sa isang araw sa nagdaang mga taon.

Sa nakalipas na da­lawang buwan nitong 2025, ang bulkan ay may kabuuang 599 rockfall events o average na 10 beses na pagtilapon ng bato sa kada araw.

Nitong huling linggo ng Disyembre, ang ave­rage rockfall events ng bulkan ay tumaas sa 21 events kada araw.

“Increased rockfall at Mayon has been a precursory sign of magmatic dome growth within the upper edifice preceding an eruption, similar to conditions before the 2023 eruption,” ayon sa Phivolcs.

Ayon pa sa Phivolcs, mula May 2025, ang bulkan ay nagtala na ng short-term swelling sa kanluran hanggang sa timog kanlurang dalisdis ng bulkan.

Dahil sa tumitinding pag-aalboroto ng bulkan, pinayuhan ng Phivolcs ang mga nakatira sa paligid nito na huwag papasok sa loob ng 6 kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) para makaiwas sa anumang peligrong idudulot ng posibleng pagputok ng bulkan, pyroclastic density currents (PDC), rockfalls, landslides at ballistic projectiles.

Pinayuhan din ng Phivolcs ang mga Local Government units na magsagawa ng kaukulang paghahanda para sa posibleng paglilikas sakaling tumindi pa ang kundis­yon ng Mayon.

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pag­lipad ng anumang aircraft malapit sa may bunganga ng bulkan.

MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with