^

Bansa

PANOORIN: Bilyong pisong transaksyon, mahigit P800M na undeclared wealth: Impeach hearing summary Oct. 5-9

Philstar.com

MANILA, Philippines — Bilyong pisong financial transactions at P817.87 milyong umano’y undeclared assets at income ang ilan sa mga pangunahing tinalakay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong linggo. 

Noong Oktubre 5, inilahad ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Buenaventura ang mahigit P4.4 bilyong covered at suspicious transactions na iniulat na may kaugnayan kina Duterte at sa kanyang asawang si Manases Carpio mula 2007 hanggang 2025. 

Kabilang dito ang P319.33 milyong remittances mula China at Hong Kong patungo sa Cale88 Foods, isang banana chips exporter na iniuugnay kay Carpio. 

Nitong Biyernes naman, tinaya naman ng forensic accounting expert na si Alexander Cabrera na umabot sa P817.87 milyon ang umano’y undeclared assets at income ng mag-asawa mula 2022 hanggang 2025. 

Kinuwestiyon ng depensa ang kanyang access sa confidential records at ang batayan ng kanyang kalkulasyon. 

Babalik si Cabrera sa Oktubre 12 para sa cross-examination.

SARA DUTERTE'S IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with