^

Bansa

DOH binalaan mga doktor na tumatanggap ng regalo mula sa kumpanya ng gamot

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ng Department of Health (DOH) ang mga doktor na maaari silang matanggalan ng lisensiya kung mapapatunayang tumatanggap ng regalo mula sa mga kumpanya ng gamot, kapalit nang pagrereseta nila ng mga gamot ng mga ito sa kanilang mga pasyente.

Ang babala ay ginawa ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo matapos mabunyag ang natu­rang umano’y marketing scheme ng ilang pharmaceutical companies.

Ayon kay Domingo, iniimbestigahan na nila ang mga sumbong na may mga doktor na tumatanggap ng insentibo mula sa mga pharmaceutical company, gaya ng luxury cars, kapalit ng preskripsiyon nila sa brands ng gamot ng mga ito.

Kaugnay nito, hinimok pa ni Domingo ang mga health professionals na kaagad na isumbong kung may nalalaman silang ganitong insidente sa Field Regulatory Operations Office ng Food and Drug Administration (FDA), na siyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang kaso.

Kumpiyansa naman si Domingo na marami pa ring doktor ang nananatiling tapat sa kanilang tungkulin.

Una na rin nagpaalala si DOH Secretary Teodoro Herbosa sa mga health professionals na ang pagtanggap ng regalo, grants, at iba pa mula sa pharmaceutical companies ay ‘unethical.’

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with