^

Bansa

PNP tikom sa ICC arrest warrant vs Duterte, Sara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP tikom sa ICC arrest warrant vs Duterte, Sara
Former President Rodrigo Duterte during an event of the Young Mens’ Christian Association of Manila on Oct. 28, 2024.
Facebook / Bong Go

MANILA, Philippines — Tumangging magbigay ng anumang komento ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa ulat ng paglalabas ng warrant of arrest ng  International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, anak na si Vice President  Sara Duterte at ibang  perso­nalidad na may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon kay PNP PIO chief Col. Jean Fajardo, masyado pa umanong  ‘premature’ para magbigay ng pahayag  sa ginawang pagbubunyag ni dating senator Antonio Trillanes IV.

Ani Fajardo, hindi naman official information ang nakarating sa PNP kaya hindi pa kailangan na mag-isyu ng anumang statement o reaksiyon.

Dagdag pa ni Fajardo, may mga korte naman na maaaring duminig sa kaso ng pang-aabuso ng mga pulis nang ipatupad ang kampanya ni Duterte laban sa illegal drugs.

Una na ring sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi kinikilala ng Pilipinas ang ICC jurisdiction.

Samantala, ayaw nang patulan nina da­ting presidential spokesperson Harry Roque, executive secretary Salvador Medialdea at chief presidential legal counsel Salvador Panelo na ayaw na nilang seryosohin ang sinasabi ni Trillanes.

Para kay Panelo, ginagamit lang ni Trillanes ang isyu para sa publicity dahil irrelevant na siya.

Sakaling mayroon naman anya na arrest order mula sa ICC, ito ay wala ng silbi at halaga dahil labas na ito ng kanilang hursidiksyon tulad na rin anya ng sinasabi ni Pangulong Marcos Jr. kaya hindi sa kanila makikipagtulungan ang gobyerno.

Sinabi naman ni Medialdea na paulit-ulit lang ang isyu sa ICC sa tuwing mayroong malaking re­belasyon na ibinubunyag ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA tungkol sa aniya ay paggamit umano ng illegal na droga ni Pangulong Marcos.

Ang tinutukoy ni Medialdea ay ang testimonya ng dating PDEA agent sa Senate hearing na nag-uugnay umano kay Marcos sa illegal na droga na pinabulaanan na rin ng ahensiya.

Ayon pa kay Medialdea, dedma na si Duterte kapag naririnig nito ang ICC maliban na lang umano na italaga si Trillanes bilang tagapagsalita ng ICC ay ibang usapan na ito.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with