Makakabuntis ng minors, arestuhin!

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Justice Secretary Crispin Remulla at Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin na agad arestuhin ang mga nakakabuntis ng menor-de-edad.
Paliwanag ni Zubiri ito ay alinsunod sa batas tungkol sa statutory rape.
Giit ng Senate president na dapat arestuhin ng PNP at kasuhan ng DOJ ang mga sexually predator na nakakabuntis sa mga wala pang 16 -anyos ang edad dahil ito’y malinaw na isang krimen.
Base sa Republic Act 11648 na isinabatas noong Marso ng nakaraang taon, itinaas sa 16 taong gulang ang gauge of sexual consent o ang pakikipagtalik sa wala pang 16-anyos at otomatikong krimen na statutory rape maliban kung ang nakipagtalik ay kapareho rin menor-de-edad.
Ang pahayag ni Zubiri ay ginawa matapos ang pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagdinig ng Senado na tumaas ang bilang ng nagbubuntis na may edad na 10-14 taong gulang ng mga mas nakakatanda o adult.
Iginiit naman sa naturang pagdinig ni Sen. Risa Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women and Family Relation na dapat maging masigasig ang pulisya at mga otoridad at National Bureau of Investigation (NBI) sa panghuhuli sa mga lumalabag sa Anti-Statutory Law.
- Latest