^

Bansa

Magalong tiwalang maipapanalo ni Ping ang laban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa mundo ng pulitika, lahat ay posibleng mangyari, tulad na lang ng pagkapanalo ng isang dehado o underdog sa karera ng mga kandidato, kahit pa ang tingin ng nakararami ay maikling panahon na lang ang natitira.

‘Yan ang pananaw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga pinakahuling pangyayari sa Halalan 2022, partikular sa sinusuportahan niyang si presidential candidate na si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson matapos niyang humiwalay sa kanyang partido kamakailan.

Ayon kay Magalong, nangyari na sa kanya ang pinagdaraanan ni Lacson, na nakikita ng publiko na dehado kumpara sa kanyang mga katunggali dahil sa resulta ng mga survey. Pero sa kabila nito, hindi rin siya sumuko at sa huli ay nagwagi bilang alkalde noong nakaraang Halalan 2019.

Ibinalita ni Magalong na patuloy pang nadaragdagan ang mga tagasuporta at naniniwala kay Lacson sa Baguio City. Patunay umano rito ang mga dumarayong volunteer—na ang iba ay galing pa sa ibang mga munisipalidad—para humingi ng mga materyales upang ikampanya ang batikang lingkod-bayan.

Hinimok din ng alkalde ang lahat ng mga Pilipinong botante na piliin si Lacson na pinaka-kuwalipikadong maging pangulo at subok na ang kakayahan, upang hindi masayang ang pagkakataon na magkaroon tayo ng isang mahusay at mabuting lider.

BENJAMIN MAGALONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with