_ngayon
^
Nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo na sa 1.34 milyon â DOH
Pedestrians walk past a tribute mural for frontliners painted by Angono artists at the triage area of the Mission Hospital in Pasig City on June 15, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

Nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo na sa 1.34 milyon — DOH

(Philstar.com) - June 18, 2021 - 4:13pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,833 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Biyernes, kung kaya nasa 1,346,276 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,346,276
  • Nagpapagaling pa: 61,776, o 4.6% ng total infections
  • Kagagaling lang: 3,441, dahilan para maging 1,261,115 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 110, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 23,385

Anong bago ngayong araw?

  • Pinag-iingat ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko sa mga lumalabas na artikulo pagdating sa 350 Indonesia healthcare workers na nahawaan pa rin ng COVID-19 kahit nabakunahan na ng CoronaVac. Aniya, kulang-kulang pa ang mga datos at ni pa tiyak kung kumpleto na ang dalawang doses ng gamot ng Sinovac

  • Sa huling datos ng gobyerno (as of June 6), nasa 0.68% lang ang "suspected" side-effects na naitatala mula sa pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 98% ang sinasabing "non-serious" habang 1.89% lang ang sinasabing seryoso. "All were given appropriate care," wika ng kagawaran.

  • Dumating na rin ng Pilipinas ang unang 500,000 doses ng CoronaVac ng Sinovac na binili ng pribadong sektor, bagay na kasabay lumapag ng 1 milyong doses ng gobyerno para pag-ibayuhin ang COVID-19 immunization drive ng bansa.

  • Papayagan naman na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagde-deploy ng 6,500 healthcare workers sa ibayong dagat taun-taon. Matatandaang dati nang 5,000 lang ang pinapayagan ng gobyerno noong Nobyembre 2020 matapos i-lift ng gobyerno ang deployment ban nito para maiwasan ang undermanning ng staff sa gitna ng COVID-19 pandemic.

  • Pinaalalahanan naman ni Vergeire ang mga pulitiko na 'wag gamitin ang COVID-19 vaccination drive sa ngayon para i-advance ang sariling political agenda lalo na't nalalapit na ang 2022 national elections. Aniya, para ito sa proteksyon ng sambayanang Pilipino at hindi basta para sa makasariling interes.

  • Umabot na sa halos 176.7 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.83 milyong katao.

— James Relativo 

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with