^

Bansa

Chinese Navy ship binuntutan Balikatan convoy sa West Philippine Sea

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Chinese Navy ship binuntutan Balikatan convoy sa West Philippine Sea
Ayon kay Commander Marco Sandalo, commanding officer ng BRP Davao del Sur, dakong alas-6 ng umaga nang mapansin ang nakatutok na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessel number 793, may 50 nautical miles mula sa Palawan.
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Isang naval ship ng China ang nakitang nakabuntot sa mga barko ng Pilipinas, Amerika at France kahapon ng umaga habang bumabaybay sa exclusive economic zone ng bansa na bahagi ng Balikatan exercises.

Ayon kay Commander Marco Sandalo, commanding officer ng BRP Davao del Sur, dakong alas-6 ng umaga nang mapansin ang nakatutok na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessel number 793, may 50 nautical miles mula sa Palawan.

“Since na-monitor natin may mga movement sila and we can consider na nagco-conduct sila ng shadowing operations… Presently, wala pang radio challenges na naganap,” ani Sandalo.

Sinabi ni Sandalo na magpapadala sila ng providing radio challenges sa sandaling nakitaan nila ito ng pagharang o panggigipit.

Aniya, maaaring maapektuhan ang safety of navigation ng Balikatan exercise.

Nilinaw ni Sandalo na maaaring pumasok sa EEZ ang mga foreign ship subalit hindi pinapayagan na mag-explore o mag-extract ng anumang resources mula sa lugar.

Matapos ang tatlong oras, namataan na ang PLAN 793 sa loob ng EEZ na patungong BRP Davao del Sur.

“Presently, ino-observe natin ‘yung presence nila,” dagdag ni Sandalo.

Sa kabila ng pagbubuntot ng Chinese vessels, tiniyak ng pamahalaan na tuloy ang pagsasanay ng Pilipinas, Amerika at France para sa kanilang naval formations at cross-deck landing exercises.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with