^

Bansa

Oil exploration sa WPS itinulak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate President Vicente Sotto III ang Malakanyang na ikonsidera ang oil exploration sa West Philippine Sea (WPS) habang nagpapa-tuloy ang girian sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Sotto, sa pa­ma­magitan nito ay mapapanindigan ng bansa ang arbitral award na nakuha nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Mas maigi rin uma­nong maghanap na ang mga lider ng bansa ng potensyal na investors para sa pagmi-   mina ng langis, gas at iba pang yaman sa WPS.

Iginiit pa ng dating se-nate president na maaari din ikonsidera ng Department of Energy (DOE) ang mga dati ng proposal para sa joint exploration activities sa mga pribadong kumpanya man o bansa kahit pa sa China.

Maaari naman uma­nong joint partnership na 60-40 kita kung saan ang 60% ay mapupunta sa Pilipinas bilang nagmamay-ari ng teritoryo.

Sinabi pa ni Sotto na hindi ito maaaring ipagbawal ng China dahil isasagawa kung sakali ang oil exploration sa loob ng teritoryo ng bansa.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with