^

Bansa

Pagpayag ni PRRD na mag-import ang private entities ng COVID-19 vaccines, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ni Pangu­long Duterte na paya­gan ang private entities na mag-import ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Go, ang hakbang ng Pangulo ay batay sa whole-of-nation approach ng gobyerno para masugpo na ang COVID-19 pandemic at  ito ay bahagi rin sa collective efforts na panawagan sa bawat isa.

Binanggit ng senador na isa siya sa nanawagan sa nasabing hakbang upang mapalakas ang mga private sector na nakikibahagi sa ikatatagumpay ng Natio-nal Vaccination Program.

“Magtulungan po tayo dahil ang laban kontra COVID-19 ay laban ng buong sambayanang Pilipino at hindi ng gobyerno lamang,” giit niya.

Sinabi ni Go na dapat lamang bigyan ang private sector ng oportunidad na makatulong sa pagpapabilis ng vaccination program, lalo’t may mga pribado na may direktang kontak sa vaccine providers.

Ayon sa senador, ka­pag nabakunahan agad ang mga empleyado sa pribadong sektor ay  mas mabilis na sisigla muli ang ating ekonomiya, ligtas na makakapagtrabaho ang ating mga manggagawa, at muling aangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with