COVID-19 cases halos 360,000 na matapos ang 2,638 bagong pasyente
Nagsasagawa ng RT-PCR swab test ang mga medical technologist na ito sa Philippine Red Cross, Mandaluyong City noong ika-24 ng Setyembre
The STAR/Michael Varcas, File
COVID-19 cases halos 360,000 na matapos ang 2,638 bagong pasyente
James Relativo (Philstar.com) - October 19, 2020 - 2:51pm

MANILA, Philippines — Mahigit-kumulang 12 araw bago magtapos ang kasalukuyang quarantine classifications, tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng panibagong coronavirus disease (COVID-19) patients ang mga pagamutan, ayon sa Department of Health (DOH).

Iniulat kasi, Lunes, ng kagawaran ang 2,638 pang kumpirmadong pasyente ng sakit, bagay na nagtutulak sa kabuuang talaan sa 359,169.

Karamihan sa mga bagong reported cases ay galing sa mga sumusunod na lugar:

  • Quezon City (141)
  • Cavite (140)
  • Laguna (128)
  • Batangas (120)
  • Rizal (108)

Kapansin-pansin na hindi ipinagsama-sama sa talaan ang National Capital Region (NCR) ngayong araw, bagay na karaniwang libu-libo ang naitatalang kaso tuwing maglalabas ng case tally.

Naabot ang mga bilang na 'yan matapos maisagawa ang COVID-19 testing sa mahigit 4.13 milyong katao sa Pilipinas. Sa kanila niyan, 16 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) noong Linggo.

"87 duplicates were removed from the total case count. Of these, 76 recovered cases and 3 deaths have been removed," sambit ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, 5 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #219 As of 4PM today, October 19, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Monday, October 19, 2020

Kung iaawas diyan ang mga gumaling at namatay na sa nasabing virus, 42,191 na lang ang matitira — ang tunay na mahalagang datos na kung tawagin ay "active cases."

Samantala, patay naman na mula sa kinatatakutang karamdaman ang 6,675 kaso sa bansa. Mas marami 'yan ng 26 kumpara sa naibalita nitong Linggo.

Pero sa kabutihang-palad, higit na mas marami pa rin ang nagre-recover sa COVID-19 sa bansa na pumapatak na sa 310,303. Nasa 226 dito ay ngayong araw lang inireport.

Sa kasalukuyan, nasa P2.5 bilyon ang perang iginugugol ng gobyerno para sa mga paparating na bakuna laban sa pandemya. Gayunpaman, maaaring kulangin pa raw ito kung tutuusin.

Bukod sa mga priority populations at healthcare workers, sinabi raw kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maisama sa popondohang mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga mahihirap na senior citizens at vulnerable population.

"Noong kinompute natin lahat-lahat 'yan, isasama natin sa mabibigyan ng bakuna, it totalled to P12.1 billion," sabi ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

"So kulang tayo ng mga about P10.5 billion sa budget na 'yan."

Aniya, may mga estimates na ng costs na ibinigay sa kanila, ngunit inisyal na costing pa lang ito. Sinasabing aabot sa 20% ng populasyon ang mabibigyan ng COVID-19 vaccine.

Una nang binanatan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang "napakaliit" na P2.5 bilyong pondo, lalo na't nasa gitna ng health crisis ang Pilipinas.

"Habang binabarat ang ating kalusugan ay tumatagingting naman sa kabilang banda ang P19 billion na ilalaan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tinawag natin general’s pork barrel," sabi niya sa isang pahayag, Biyernes.

"Bilyon bilyon ang inilgay dito na hindi naman isang line agency."
 
Humantong naman na sa pagtuntong sa 39,596,858 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong daigdig. Sa taya ng World Health Organization (WHO), lagpas 1.10 milyon na sa kanila ang namamtay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with