^

Bansa

PSA Law, 100% dayuhang puhunan sa kuryente, telecom, ‘transport,’ mahalaga sa pagbangon ng Pilipinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Mahalagang papel ang gagampanan ng patas na kumpetisyon ng dayuhan at lokal na pamumuhunan sa mga sektor ng kuryente, telecom at ‘transport’ sa pagbangon ng bansa pagkatapos ng Covid pandemic. Wawakasan din nito ang mahinang kalidad at sobrang mahal na serbisyo ng mga naturang sektor.

Ito ang pahayag ni Albay Rep. Joey Sarte Salce­da, chairman ng House Ways and Means committee, kaugnay sa House Bill 78 na aamyenda sa dating Public Service Act (CA 146). Layunin ng panukalang bagong Public Service Act (PSA) na pasado na noong Marso pa sa Kamara, na itaas ang kalidad ng serbisyo ngunit pababain ang singil ng mga ito, at lumikha ng higit na maraming trabaho sa bansa para sa mga Pilipino.

Aamyendahan ng HB 78 ang Commonwealth Act No. 146, at liliwanagin nito ang kaibhan ng “public service” sa “public utility” na malimit ay pinagpapalit-palit. Nililimita ng 1987 Constitution ang pag-aari at pagpapatakbo ng mga “public utility” sa mga Pilipino lamang, at hanggang 40% lamang ang maaaring hawakan ng mga dayuhan, ngunit dahil madali itong ipasaklaw sa “public services,” nananaig ang mga monopolya at nahihirapan ang mga karaniwang Pinoy, ayon kay Salceda sa kanyang ‘aide memoire.’

Malakas na suportado ang HB 78 ng maraming sektor, kasama si Socio-economic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua, na nagsabing ang panukalang bagong PSA Law “ay magiging susi para mahuli ng Pilipinas ang maraming dayuhang puhunan pagkatapos ng pandemya.

Binigyang diin ni Salceda na magkaiba at hindi pareho ang “public utilities” at “public service” bagama’t ang una ay maaaring maging bahagi ng una.

Sa dating PSA, kasama sa kategorya ng “public service,” pati mga planta ng yelo at gawaan ng sirang mga barko na tiyak namang hindi papatulan ng mga dayuhang mamumuhunan.

Pinuna din ng mambabatas na sa ilang desisyon ng Korte Suprema, nagbigay ito ng ilang elementong bahagi ng “public utility” na inilarawan nito sa Ingles bilang “isang negosyo o serbisyo na regular na nagsusuplay sa publiko ng mga produkto o mahalagang mga serbisyo gaya ng kuryente, gas, tubig, transportasyon, telepono o telegrapo.”

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with