^

Bansa

'Mañanita' protests vs anti-terror bill tuloy sa kabila ng banta ng PNP

James Relativo - Philstar.com
'Mañanita' protests vs anti-terror bill tuloy sa kabila ng banta ng PNP
Kuha ng mga raliyista sa kanilang "mañanita"-themed protest kontra anti-terrorism bill, bagay na pakutya kay NCRPO chief Debold Sinas na hindi pinarusahan kahit nag-birthday salo-salo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mula sa Facebook ni Renato Reyes Jr. at The Catalyst

MANILA, Philippines — Hindi nagpatinag sa banta ng Philippine National Police at Malacañang ang mga raliyista sa University of the Philippines - Diliman at iba pang bahagi ng Pilipinas kontra anti-terrorism bill kasabay ng ika-22 "Araw ng Kalayaan," Biyernes.

Kahapon lang nang sabihin ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na idi-"disperse" ang mga protesta lalo na't banta raw ito sa kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ganap na 9:00 a.m., nagtipon-tipon sa University Ave. ang mga grupo't indibidwal tutol sa panukala, bagay na hindi lang daw terorista ang target ngunit pati ang mga tutol sa administrasyon.

Basahin: ‘Anti-terror’ bill defines terrorism vaguely but has clear and specific dangers

Ilan sa mga kontrobersyal na probisyon nito ay ang kapangyarihan ng gobyerno na magkulong nang 14-24 araw kahit walang warrant of arrest, kalayaan ng Anti-Terrorism Council na magbansag ng terorista sa kahit na sinong indibidwal at grupo kahit hindi pa dumadaan sa korte atbp.

"At present, a number of youth and students are already being ruthlessly targeted and vilified for exercising their right to protest abuses, incompetence, and unequal application of the law," wika ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago sa isang pahayag.

"Ito po ang nagtulak para sa mga kabataaan, mga iskolar ng bayan at mga estudyante upang magpanday ng mga pahayag, ng pagkakaisa at sumama sa mga pagkilos ngayon sa kabila ng pandemya."

Mistula birthday celebration ang theme ng protesta bilang pakutya na rin sa "mañanita" ni NCRPO director Debold Sinas, na hindi pinarusahan kahit lumabag sa direktiba ng gobyerno laban sa mga "mass gatherings."

May kaugnayan: 'Mahiya kayo': Pagdepensa ng PNP sa ECQ bday bash ng NCRPO chief kinastigo

At tulad ng mga karaniwang birthday, may lobo, cake at pa-videoke sa rally. Hinango ang disenyo ng cake sa "Voltes V" cake ni Sinas.

 

Bagama't marami, may suot na face masks at sumunod sa physical distancing ang mga militante, lalo na't nariyan pa rin ang banta ng coreonavirus disease (COVID-19).

"Makasaysayan po ang araw na ito. Sa harap ng bagyo, pandemya at pananakot, nanindigan tayo para sa kalayaan at karapatan. Gumuhit na tayo ng linya sa buhangin, na hindi tayo papayag na babalik muli ang bansa sa diktadura," sabi naman ni Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan.

"Hindi tayo papayag na ipasa ang isang batas na lansakang lalabag sa ating mga karapatan, at magbabago ng buhay ng mga Pilipino tunga sa mas malala."

Isyu ng ligalidad

Natuloy pa rin ang pagkilos kahit na nagtayo ng mga checkpoint ang PNP malapit sa unibersidad, ilang oras magsimula ang pagtitipon — bagay na kinundena lalo na't "Araw ng Kalayaan."

 

 

"As per instruction of our [Interior Secretary] Eduardo Año, protesters will be dispersed and advised to return home," sabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na namumuno sa quarantine enforcement arm ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Wika naman ni presidential spokesperson Harry Roque, hanggang 10 tao lang ang papayagang mag-protesta.

Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pansamantalang "banned" pa ang mga protesta at mass gatherings bilang pag-iingat para rin laban sa nakamamatay na virus.

"Solely for public health reasons and nothing else, mass gatherings including protest rallies, are temporarily banned to avoid direct transmission of the COVID-19 virus," ani Guevarra.

"Violations may give rise to penal sanctions under existing public health laws. As [Interior Secretary Eduardo Año] said, there are safer ways to express one’s protest during this period of public health emergency."

Kamakailan lang nang arestuhin ang pitong raliyista at isang bystander sa UP Cebu, matapos din maglunsad ng anti-terror bill protest. Ganyan din ang nangyari sa PISTON 6, na inaresto nang ibusina ang panawagan nilang makabalik-pasada.

Basahin: 7 anti-terror bill protesters arestado sa UP Cebu sa 'paglabag ng quarantine'

Sa kabila niyan, iginigiit ng National Union of People Lawyers (NUPL) at Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL) na wala ni isang batas na nagsasabing pwedeng magkulong ng raliyista ngayong may pandemya.

"These arrests have no legal basis in Republic Act (RA) No. 11469, the Bayanihan Act, nor RA 11332, the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases, which do not prohibit rallies nor contain provisions allowing the police to arrest people on alleged violation of 'mass gathering rules,'" sabi ng CLCL.

"Even the IATF rules, otherwise known as the [enhanced community quarantine] rules, do not provide for the prohibition of rallies or the arrest of rallyists."

Pagkilos labas sa UP

Samantala, naglunsad din ng iba't iba pang pagtitipon ngayong araw kaugnay ng anti-terror bill.

Kaninang umaga lang nang ituloy ng Gabriela Women's Party ang kanilang "zumba dance" kontra anti-terror bill sa Lungsod ng Marikina.

 

 

Sa Taft, Maynila, naglabas naman ng mga placard sina Erin Tañada at walong iba pa sa De Lasalle University, na nagbunsod naman ng pagpapadala ng mga pulis.

Sa Visayas naman, naghihintay sa tapat ng UP Cebu ang mga riot police kahit hinahayaang magprotesta ang mga pabor sa anti-terror bill sa Metro Colon.

vuukle comment

ANTI-TERRORISM BILL

HUMAN RIGHTS

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROTESTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with