_ngayon
^

Bansa

Mga abogado: Hindi pwedeng ikakulong ang protesta kahit 'quarantine'

James Relativo - Philstar.com
Mga abogado: Hindi pwedeng ikakulong ang protesta kahit 'quarantine'
Inaaresto ng mga hindi unipormadong kawani ng Philippine National Police (PNP) ang babaeng ito sa isang kilos protesta sa UP Cebu, ika-5 ng Hunyo, 2020
The Freeman/Aldo Banaynal

MANILA, Philippines — Idiniin ng isang grupo ng mga abogado na walang anumang batas ang nagpapahintulot ng pagkakakulong kahit may "quarantine" at lockdown pa kontra coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang pahayag, Martes, inilatag ng Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL) ang aniya'y hungkag na paggamit ng Philippine National Police (PNP) sa ilang batas para arestuhin ang mga nagra-rally sa gitna ng pandemic.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang arestuhin ang "Piston 6" at "Cebu 8," na naglunsad ng mga mobilisasyon para makabalik pasada ang mga tsuper at maibasura ang anti-terrorism bill.

(Basahin: 4 sa 6 na Piston members na kulong sa 'anti-jeep ban' protest laya sa piyansa)

Bagama't una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang "mass gatherings" at protesta simula lockdown, walang probisyon sa anumang batas na direktang tumutukoy sa pag-aresto sa mga raliyista.

"These arrests have no legal basis in Republic Act (RA) No. 11469, the Bayanihan Act, nor RA 11332, the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases, which do not prohibit rallies nor contain provisions allowing the police to arrest people on alleged violation of 'mass gathering rules,'" sabi ng CLCL.

"Even the IATF rules, otherwise known as the [enhanced community quarantine] rules, do not provide for the prohibition of rallies or the arrest of rallyists."

Sa ilalim ng memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea Jr. na inilabas noong March 16, mayroong umiiral na "strict home quarantine" at maari lamang lumabas ng bahay para sa "basic necessities."

Kasama sa CLCL ang sari-saring abogado mula sa oposisyon at ligal na Kaliwa, na kilalang kunekwestyon din sa anti-terror bill.

DOJ: Bawal magkulong dahil sa quarantine violation

Marso nang sabihin ni Justice Secretary Menardo Gevarra ang parehong posisyon. Aniya, bagama't maaaring kontrolin ng PNP ang pisikal na pagkilos ng mga residente habang COVID-19 quarantine.

"No [arrests]. Just being physically prevented from entering or exiting [quarantine areas]," paliwanag ni Guevarra.

"But if the person assaults the law enforcement agent, or slanders him, or bribes him, then that’s cause for warrantless arrest."

Una na ring sinabi ni Digong na may kapangyarihan ang pulis na manghuli sa gitna ng quarantine, basta't mauwi ang pagsuway sa pulis sa sakitan.

"If you are in this category... tapos malapit and social distancing is no longer obeyed... And if you insist... baka masuntok mo o ano [ang police o military], it becomes an assault... It will now ripen into a crime which is now punishable by law. And you can now go to prison," wika ni Duterte.

Ginagamit din ng CLCL ang dating ruling ng Korte Suprema sa Centeno vs. Villalon-Pornillos noong 1994, na pumapatungkol sa criminal laws:

"It is a well-entrenched rule that penal laws are to be construed strictly against the State and liberally in favor of the accused. They are not to be extended or enlarged by implications, intendments, analogies or equitable considerations. They are not to be strained by construction to spell out a new offense, enlarge the field of crime or multiply felonies."

Dati na ring ginamit ng PNP ang RA 11469 at RA 11332 laban sa 20 urban poor na nagtipon sa Quezon City, na nananawagan ng ayuda habang walang sinesweldo sa gitna ng lockdown. 

Isyu ng 'Cebu 8'

Samantala, kinastigo din ng CLCL ang pag-aresto kamakailan sa ilang estudyante sa loob ng UP Cebu, bagay na lumalabag diumano sa Soto-Enrile Accord na pinagkasunduan ng unibersidad at Department of National Defense.

Bawal kasi sa nasabing kasunduan ang basta-bastang pagpasok ng pulis, militar at CAFGU sa anumang UP campus kung walang pahintulot ng administrasyon ng paaralan.

Pero depensa ng pulisiya, nangyari ang panghuhuli matapos magprotesta ng mga kabataan sa gitna ng general community quarantine (GCQ) pa sa lungsod. "Hot pursuit" din daw ang kanilang ginawa kung kaya't "lusot" diumano ang kanilang pagpasok sa eskwelahan lalo na't hindi raw tsapa ang quarantine pass sa pagproprotesta.

Pero hindi umubra 'yan sa CLCL: "[A] hot pursuit presupposes the commission of the crime. A peaceful protest is not a criminal act. In fact, Section 9 of BP 880 prohibits police interference in peaceful assemblies." 

"The arrest of participants and a bystander also violates Section 13 which states that 'no person can be punished or held criminally liable for participating in or attending an otherwise peaceful assembly.'"

Ipinatitigil ngayon ng CLCL ang mga plano ng PNP na muling mag-aresto kaugnay ng pagpa-practice ng constitutional rights gaya ng freedom of expression at "redress of grievances."

Bukas din daw ang kanilang grupo upang magbigay ng kanilang tulong sa sinumang huhulihin sa pamamagitan ng "illegal arrests."

ARREST COMMUNITY QUARANTINE LOCKDOWN PHILIPPINE NATIONAL POLICE PROTEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with