Cha-cha aprub na ng House panel
MANILA, Philippines — Pagdedebatehan na sa susunod na linggo ang panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter Change (Cha-cha).
Paliwanag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, inaprubahan na ng House Committee on Constitutional Amendments ang hindi mabilang na Resolution of Both Houses (RBH) noong Miyerkules sa isang executive session.
Nagdesisyon na rin umano silang i-endorso ito sa plenaryo dahil natapos na nila ang mga public consultation sa Luzon, Visayas at Mindanao at wala na rin silang resource person.
Kabilang sa amyenda ang pagbibigay ng poder sa kongreso para bawasan o alisin ang limitasyon sa foreign ownership para mas makaakit pa ng mas maraming investors sa bansa.
Isinusulong din ang tandem voting o isang boto na lang para sa pangulo at bise presidente, 5-year term sa senators, congressmen at local executives na may maximum na 3 consecutive terms, hatiin sa 9 na rehiyon ang bansa at paghalal ng 3 senador bawat rehiyon.
- Latest