Ayon kay Año, hindi na kailangan na dagdagan pa ang security measures para sa kaniya dahil lagi siyang handa laban sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.
Kill plot ng NPA dinedma ni Año
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – “Isa akong sundalo na handang lumaban kahit na anong oras!”

Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang reaksyon sa kill plot laban sa kaniya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

“I will not be intimidated by such an evil plot. We are prepared for that. We will get them before they can execute their plan,” pahayag ng Kalihim.

Ayon kay Año, hindi na kailangan na dagdagan pa ang security measures para sa kaniya dahil lagi siyang handa laban sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay.

Binigyang diin pa ni Año na puspusan ang operasyon ng security forces upang matiyak na ligtas ang komunidad laban sa paghahasik ng terorismo ng NPA rebels.

Si Año ay dating AFP chief na mahabang panahon ring nagsilbi bilang intelligence officer sa hukbong sandatahan na noon pa man ay mainit na sa mata ng communist rebels dahil marami sa kanilang top officials ay nalipol ng pamahalaan sa ilalim ng liderato nito.

Una rito, ibinulgar ni AFP Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations (CMO) Chief  Major Antonio Parlade Jr. na kabilang si Año sa mga opisyal ng pamahalaan na nais itumba ng komunistang grupo.

Si Parlade ay mi­yembro ng National Task Force (NTF) to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang iba pa sa hit list ay sina dating AFP chief at ngayon ay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr at National Commission on Indigenous Peoples chairman Allen Capu­yan.

 

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with