^

Bansa

Pinay nurse dagsaan sa Amerika

Mayen Jaymalin - Pilipino Star Ngayon
Pinay nurse dagsaan sa Amerika
Sinabi ni ACTS-OFW Chairman Aniceto Bertiz na tumaas nang 30 porsiyento ngayong 2019 kumpara sa nakaraang taon ang bilang ng mga nurse na Pilipino na kumuha ng U.S. licensure examination.
File

MANILA, Philippines — Maraming nurse na Pilipino ang nagha­hangad na magtrabaho sa United States, ayon sa isang grupo ng overseas Filipino worker.

Sinabi ni ACTS-OFW Chairman Aniceto Bertiz na tumaas nang 30 porsiyento ngayong 2019 kumpara sa nakaraang taon ang bilang ng mga nurse na Pilipino na kumuha ng U.S. licensure examination.

Sinabi niya na may kabuuang 9,195 Filipino nurse na umaa­sang makakapagtrabaho sa U.S. ang kumuha ng licensure examination mula Enero hanggang Setyembre na mas mataas kumpara sa 7,119 examinees sa kahalintulad na mga buwan ng taong 2018.

Batay anya sa datos ng U.S. National Council of State Board of Nursing Inc. na ipinalabas noong Oktubre 30, mga Pilipino ang karamihan sa mga examinees.

Duda si Bertiz na maraming Pinoy nurse ang mas pipiliing manatili at magtrabaho dito sa Pilipinas kahit bumuti ang kanilang starting pay.

Kamakailan ay kinatigan ng Supreme Court ang validity ng isang batas noong 2002 na nagtatakda ng P30,531 buwanang sahod sa mga nurse na nagtatrabaho sa pamahalaan.  Mas mataas ito nang 48 porsiyento kaysa sa P20,754 na tinatanggap nila sa kasalukuyan.

“Ang umento ay hindi inaasahang makakapigil sa mga Filipino nurse na maghanap ng mas mataas na mapagkakakitaan sa ibang bansa lalo na sa North America,” sabi pa ni Bertiz.

Ang taunang sahod anya ng mga nurse sa Pilipinas ay katumbas lang ng 10 percent ng annual median pay ng nurse sa US.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with