^

Bansa

2 general sa droga tukuyin!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2 general sa droga tukuyin!
Ayon kay Sen. Richard Gordon, kung idudulog sa Senado, maaari nilang imbestigahan ang isyu pero kung kilala na ito ng Pangulo ay dapat tuluyan na ang mga ito.
Presidential Photo/Simeon Celi Jr.

MANILA, Philippines — Dapat pangalanan na ni Pangulong Duterte ang dalawang general na sinasabi nitong sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, kung idudulog sa Senado, maaari nilang imbestigahan ang isyu pero kung kilala na ito ng Pangulo ay dapat tuluyan na ang mga ito.

 “Kung idudulog sa Senado, iimbestigahin namin yan pero kung alam na nya dapat tuluyan na niya, wag na nya kami hintayin,” sabi ni Gordon.

Sinabi pa ni Gordon maaring arestuhin ang mga inaakusa­hang sangkot sa ilegal na droga.

Anya, kung seryoso sa “war on drugs” dapat matiyak na masesentensiyahan at makukulong ang mga heneral na papangalanan.

Nauna rito, mismong si Duterte ang nagsabi habang nasa Russia na may dalawang general ang sangkot sa illegal drug trade.

Naniniwala naman si Gordon na dapat ser­yosohin ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga tinatawag na “ninja cops” na inimbestigahan ng Senado.

Dapat makita ng mga mamamayan na may mga makukulong na malalaking tao at hindi lang mga mahihirap na gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with