^

Bansa

Dengue epidemic kritikal na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Dengue epidemic kritikal na
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang epidemic thres­hold ay ang kritikal na bilang o dami ng biktima para maituring nang epidemya ang isang sakit.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na ang dengue sa bansa matapos lumagpas sa epide­mic threshold ang dengue cases sa 11 rehiyon.

Ayon kay Health  Sec. Francisco Duque III, ang epidemic thres­hold ay ang kritikal na bilang o dami ng biktima para maituring nang epidemya ang isang sakit.

Ito rin ang ginagamit na basehan para makumpirma ang isang epi­demya at para ma­kapag­lagay ng mas malalim na hakbang para tugunan ang nasabing sakit.

Bukod sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 12 at BARMM ay sumabay na rin ang Region 11 sa dengue epidemic.

Binigyan diin ni Duque na ang dengue situation sa ASEAN countries tulad ng Lao People’s Democratic Republic, Vietnam, Thailand, Indo­nesia at Singapore ay mas malala pa dahil triple ang itinataas ng bilang nito.

Dagdag pa ni Duque na posibleng “rapid urbanization” at climate change ang dahilan ng nasabing epidemya.

Dahil dito kaya nakikipagtulungan na ang DOH sa Department of the Interior and Local Government at mga barangay para magsagawa ng mas agresibong hakbang para mapigilan ang paglaganap ng dengue-carrying mosquitos. 

Giit ni Duque, mas ma­inam pa rin na malinis ang lugar at paligid.

vuukle comment

DENGUE C

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with