^

Bansa

‘Very good’ rating ng Gabinete ikinagalak ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Very good� rating ng Gabinete ikinagalak ng Palasyo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagagalak sila lalo’t ito ang kauna-unahang nakakuha ng very good rating ang mga Cabinet members ng Pangulo.

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Malacañang ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagagalak sila lalo’t ito ang kauna-unahang nakakuha ng very good rating ang mga Cabinet members ng Pangulo.

Batay sa resulta ng SWS survey, ang “good” na +44 noong Marso ay sumipa papuntang “very good” nitong Hunyo sa +51.

Ayon kay Panelo, patunay ang naturang survey sa sentimyento ng mga Pilipinong naniniwala na kumikilos ang kasalukuyang gobyerno para sa kapakanan ng taong­­bayan.

Umaasa ang Palasyo na mas pag-iibayuhin pa ng mga gabinete ang trabaho para magkaroon ng pagbabago sa bansa batay na rin sa hangarin ni Pangulong Duterte.

vuukle comment

NET SATISFACTION RATING

PRESIDENT DUTERTE CABINET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with