Pero ayon sa PAG­ASA, magpapatuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng bansa.
Boy Santos
‘Dodong’ palabas na ng PAR
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang lalabas na ngayong Huwebes sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Dodong.

Pero ayon sa PAG­ASA, magpapatuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng bansa.

Palalakasin pa rin kasi ng papalayong bagyo ang hanging habagat na nakakaapekto sa Metro Manila, Central Luzon at ilang parte ng Visayas.

Huling namataan ang sentro ni “Dodong” sa layong 705 km silangan ng Basco, Batanes. May taglay itong hangin na 45 kph at pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon patungong hilaga hilagang silangan sa bilis na 15 kph.

Patuloy namang ina­alerto sa malalakas na pagbuhos ng ulan, baha at landslide ang mga residente ng Northern Palawan, Mindoro Pro­vinces, Romblon, Aklan, Antique, western Iloilo, Guimaras at Negros Occidental, Masbate, western sections ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon.

Habang may mga inaasahan ding buhos ng ulan sa Metro Manila, western portions ng Central Luzon (Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan).

DODONG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with