^

Bansa

Mas mataas na tax sa yosi pinapapaspasan ni Duterte; grupo pumalag

James Relativo - Philstar.com
Mas mataas na tax sa yosi pinapapaspasan ni Duterte; grupo pumalag
Layon nitong patawan ng mula P45 hanggang P60 excise tax ang kada kaha ng sigarilyo mula 2020 hanggang 2023.
Smaragd/Pixabay, CC0 Creative Commons

MANILA, Philippines — Isang linggo bago mag-adjourn ang 17th Congress, sinertipikahan bilang "urgent" ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill No. 2233, na layong taasan ang buwis sa mga sigarilyo.

Layon nitong patawan ng mula P45 hanggang P60 excise tax ang kada kaha ng sigarilyo mula 2020 hanggang 2023.

Una nang sinuportahan ng Department of Health at Department of Finance ang panukala, na magpapababa raw ng mga naninigarilyo at magpapataas ng kita ng gobyerno.

"There are many ways of decreasing the consumption of tobacco and alcohol but it has been proven worldwide that the best practice, the best and most effective way to do it is really to increase the prices by increasing the taxes," sabi ni DOH Undersecretary Rolando Domingo sa panayam ng CNN.

(Maraming paraan para paliitin ang dami ng naninigarilyo at umiinom ng alak pero napatunayan naman sa buong mundo na ang pinakamainam, at pinakaepektibo sa lahat ay pagtataas ng buwis dito.)

Una nang sinabi ng DOF na madadagdagan ng mas mataas na sin tax ang pondo ng Universal Health Care program, na ngangangailangan ng P1.44 trilyon, mula 2020 hanggang 2024.

Nakatakda ang unang taong implementasyon ng UHC sa 2020.

Aabot lang daw sa P200 bilyon taun-taon ang maipopondo rito ng gobyerno sa parehong panahon, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Kung hindi raw mai-adjust ang kasalukuyang sin tax, sinabi ni Dominguez na aabot ang kulang na pondo sa P426 bilyon pagdating ng 2024.

Mapapalawig naman daw ang Philhealth coverage kung maipapasa ito bago magsara ang Kongreso sa Hunyo, dahilan para saklawin ang 120 gamot.

Wala na rin daw magiging hangganan pagdating sa "primary care treatment."

Kaugnay nito, inudyok din ng DOF at DOH ang Kongreso na itaas sa P20 kada litro ang excise tax sa alak.

'Kita ng gobyerno liliit kung itutuloy'

Samantala, nagbabala naman ang isang grupo na maaaring kabaliktaran ang kalabasan ng pagpapatupad ng panibagong sin tax.

Ayon kay Manos Koukourakis, manager ng Japan Tobacco International Philippines, imbis na mapalaki raw nito ang pondong gagamitin para sa serbisyong medikal ay bababa lang daw ang kita ng gobyerno.

"It would be disastrous. I think we saw it in Singapore, we saw it in Malaysia, we saw it in Thailand, and we see it in many other parts of the world. When steep taxes come into play, people don't stop smoking, [government] revenues go down," sabi ni Koukourakis sa ANC "Headstart."

(Malaking pinsala ang idudulot nito. Nakita na natin ito sa Singapore, sa Malaysia, Thailand at iba pang bahagi ng daigdig. Kapag biglaan mong itinaas ang buwis, hindi naman bumababa ang naninigarilyo, nababawasan ang kita ng gobyerno.)

Kung gagawin daw ito, piliin raw kasi ng mga tao na bumili ng yosi mula sa black market na hindi naman nagbabayad ng buwis.

"Because people stop buying legitimate products so they move into the black market, and the black market doesn't pay taxes. And today what we have in Malaysia is 59, 60%, the government, they don't collect," sabi niya.

(Dahil tumitigil sa pagbili ng lehitimong produkto ang mga tao at nagtutungo sa black market, at hindi sila nagbabayad ng buwis. Sa Malaysia, 59, 60%, hindi nakakakolekta ang gobyerno.)

"[E]verybody loses. People loose because the quality of those things is terrible, and the government loses, which, I'm sure they mean well. They want to fund healthcare."

(Lahat talo. Talo ang tao dahil mababa ang kaledad, at matatalo rin ang gobyerno, at alam kong maganda ang hangarin nila. Gusto nilang pondohan ang kalusugan.)

Dagdag pa niya, 60-70% raw manigarilyo ang mga taga-Germany at Japan ngunit mas mahaba naman raw ang kanilang buhay. Aniya, maaaring may mga iba pang polisiya na nakakapagpaiksi sa lifespan ng Pilipino.

Susuportahan naman daw nila ang dahan-dahan na pagtataas ng buwis, ngunit ikinabahala nilang maaaring madagdagan pa ang mga panuntunan at buwis sa pagpasok ng panibagong Kongreso.

vuukle comment

SENATE

SIN TAX

TOBACCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with