Sinabi ni Sen. Go, ipapatawag niya sa isasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa “Bikoy” videos si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV na tinukoy ni Peter Joemel Advincula na ‘utak’ ng nasabing video na ang layunin ay pabagsakin si Pangulong Duterte at siraan ang malalapit sa Pangulo.
Nasa likod ng ‘Bikoy’ video mananagot - Go
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ni Senator-elect Bong Go na pananagutin niya ang mga nasa likod ng paninira sa kanya noong senatorial campaign partikular ang “Totoong Narcolist” video na iniugnay siya sa illegal drug trade.

Sinabi ni Sen. Go, ipapatawag niya sa isasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa “Bikoy” videos si outgoing Sen. Antonio Trillanes IV na tinukoy ni Peter Joemel Advincula na ‘utak’ ng nasabing video na ang layunin ay pabagsakin si Pangulong Duterte at siraan ang malalapit sa Pangulo.

Inakusahan si Go sa nasabing Bikoy video na tumatanggap umano ng payoff mula sa drug syndicates gayundin ang batang anak ng Pangulo na si Kitty.

Ilang ulit ding pinatunayan ni Sen. Go na wala siyang tattoo na dragon sa kanyang likuran tulad ng akusasyon ni Bikoy sa nasabing video.

Magugunitang ipinatawag noon ni Trillanes si Go sa isang Senate hearing hinggil sa alegasyon na namagitan umano ang huli para sa multibillion-peso frigate weapons deal.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with