^

Bansa

Poe, Villar, Go nanguna sa bagong Pulse Asia senatorial survey

James Relativo - Philstar.com
Poe, Villar, Go nanguna sa bagong Pulse Asia senatorial survey
Isinagawa ito noong ika-24 hanggang ika-28 ng Pebrero taong 2019.
File

MANILA, Philippines — Nanatili sa tuktok ng senatorial surveys ang mga incumbent senators na sina Sen. Grace Poe at Sen. Cynthia Villar ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Pulse Asia.

Isinagawa ito noong ika-24 hanggang ika-28 ng Pebrero taong 2019.

Ilan sa mga tinanong ng survey ay ang mga sumusunod:

  • Kung ang nasabing eleksyon sa 2019 ay isasagawa ngayon, sinu-sino sa mga sumusunod na personalidad ang inyong iboboto bilang SENADOR? Puwede kayong pumili ng hanggang 12 pangalan.
  • May narinig na ba sa, o napanood na ba kayong kahit na ano tungkol sa mga sumusunod o wala pa?

Sa pag-aaral, sinasabi na umani ng 67.7 porsyento voter preference si Poe, isang independent, na may puntos na 99 pagdating sa voter awareness.

Nakakuha naman ng saradong 61 porsyento si Villar para sa ikalawang pwesto.

Pareho namang nasa ikatlo hanggang ika-limang pwesto ang dating special assistant to the president Christopher "Bong" Go (53 porsyento) at Sen. Edgardo "Sonny" Angara (52.2).

Nasa ika-anim hanggang ika-12 si Go noong Enero. Umakyat naman sa ika-apat na pwesto mula sa dating ika-lima si Angara.

Ang "Probinsyano" star at beteranong aktor na si Lito Lapid naman ay napadpad sa ikatlo hanggang ika-pitong ranggo sa 49 porsyento.

Ang dating top three naman na si Taguig City Rep. Pia Cayetano, bumaba sa ika-lima hanggang ika-pitong pwesto sa saradong 47 porsyento.

Umakyat naman sa ika-lima hanggang ika-walo, mula sa dating ika-11 hanggang ika-16, ang dating hepe ng Philippine National Police na si Ronald "Bato" dela Rosa.

Ang dating anak ng bise presidente na si Nancy Binay ng United Nationalist Alliance ay nauwi naman sa ika-pito hanggang ika-10 ng listahan.

Nakakuha naman ng ika-walo hanggang ika-12 ang Liberal Party member at Otso Diretso candidate na si Mar Roxas.

Hindi nag-iisa si Lito Lapid sa mga action star na pasok sa "Magic 12."

Kasalukuyang nasa ika-walo hanggang ika-12 ang Lakas-CMD candidate na si Ramon "Bong" Revilla Jr.

Pantay naman sa ika-siyam hanggang ika-14 na pwesto sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Koko Pimentel ng PDP-Laban.

Bagama't sinabi ng Office of the Ombudsman na "sapat ang ebidensya" para hatulang guilty sa plunder si dating Sen. Jinggoy Estrada, nananatili siya sa ika-10 hanggang ika-15 pwesto.

Kukumpleto naman sa listahan ng pasok sa top 12 ang dating Metropolitan Manila Development Authority chair na si Francis Tolentino.

Karamihan ay miyembro o dating miyembro ng Kongreso

Mula sa 62 kandidato na naglalayong makaupo sa Senado sa Mayo, 14 ang lumalabas na may "statistical chance" para makapasok sa winner's circle kung ginanap ang eleksyon sa parehong petsa ng survey.

Karamihan sa mga posibleng manalo ay may karanasan na bilang mambabatas.

"Virtually all of the probable winners are either former or current members of Congress," wika ng Pulse Asia.

Maliit pa rin ang bilang ng mga may siguradong kumpletong 12 kandidato na iboboto.

"A little over a third of registered voters (37%) support 12 senatorial candidates as of February 2019," paliwanag nila.

Kung titilad-tilarin, ang sumusunod lang ang may kumpletong senatorial slate: 28 porsyento sa Luzon, 26 porsyento sa Visayas at 27 porsyento sa class E.

Ilang detalye sa survey

Ibinase ang pag-aaral mula sa "multistage probability sample" ng 1,800 botanteng edad 18-anyos patatas.

Sa pambansang antas, sinasabing meron itong  +/-2.3% error margin sa "95% confidence level."

Paglilinaw ng Pulse Asia, sila mismo ang nagdisenyo nito at hindi naimpluwensyahan ng anumang religious, political, economic o partisan group.

"Pulse Asia Research undertakes Pulso ng Bayan pre-election surveys on its own without any party singularly commissioning the research effort," sabi nila.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

PULSE ASIA

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with