^

Bansa

Fastlane sa tigdas bubuksan ng DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Fastlane sa tigdas bubuksan ng DOH
Ayon kay Health Secre­tary Francisco Duque, sa ngayon ay mayroong “rising trend” o papataas pa rin ang bilang ng nagkakasakit kaya mahalagang magsimula sa mga ospital ang hakbang kontra tigdas.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inutos na ng Department of Health sa lahat ng ospital na buksan ang kani-kanilang measles fastlane.

Ito’y sa gitna ng projection ng DOH na posibleng sa Abril o Mayo ay maaaring kontrolado na ang tigdas outbreak.

Ayon kay Health Secre­tary Francisco Duque, sa ngayon ay mayroong “rising trend” o papataas pa rin ang bilang ng nagkakasakit kaya mahalagang magsimula sa mga ospital ang hakbang kontra tigdas.

Sa datos ng kagawaran, umabot na sa 5,600 ang measles ca­ses kung saan umakyat na sa 87 ang namatay sa buong bansa simula Enero 1.

Muling umapela  ang DOH  sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak at huwag mangamba dahil buhay ng kanilang mga anak ang nakasalalay dito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES FASTLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with