^

Bansa

Diokno ‘di bibitawan ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Diokno �di bibitawan ng Palasyo
Ito’y sa gitna ng kontrobersiyang ipinupukol ngayon kay Diokno dahil sa umano’y P75 billion insertions sa proposed budget ng DPWH para sa 2019.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi bibitiwan ng Malacañang si Budget and Management Sec. Benjamin Diokno sa harap ng panawagan ng Kongreso kay Pangulong Duterte na patalsikin na sa kanyang puwesto ang DBM Chief.

Ito’y sa gitna ng kontrobersiyang ipinupukol ngayon kay Diokno dahil sa umano’y P75 billion insertions sa proposed budget ng DPWH para sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, kanilang nirerespeto ang panawagan ng ilang kongresista na idinaan pa sa House Resolution 2365 ang nais na pagpapatalsik sa kalihim.

Wika ni Panelo, hindi nila mapagbibigyan ang nasabing panawagan gayung nananatili ang tiwala mismo ng Pangulo kay Diokno.

Sa katunayan, itinutu­ring “one of the best and the brightest” sa hanay ng mga opisyal ni Pangulong Duterte si Diokno habang hindi aniya matatawaran ang reputasyon nito bilang isang competent public servant.

Panawagan ng Palas­yo sa Kongreso, itama na lamang ang mga maling nadiskubre nito sa proposed budget at kung gustong kasuhan ay kasuhan na lamang kung sa tingin ay may nagawang iregularidad ang DBM chief.

vuukle comment

BENJAMIN DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with