Akusasyon ni Rep. Chong walang basehan â Comelec
Ito naman ang binig­yan diin ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes sa isinagawang Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) hearing hingil sa automa­ted election system (AES).
Boy Santos
Akusasyon ni Rep. Chong walang basehan – Comelec
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang basehan ang  akusasyon ni dating Bi­li­ran Rep. Glenn Chong na nagkaroon ng malawakang dayaan sa nakalipas na 2016 election.

Ito naman ang binig­yan diin ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes sa isinagawang Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) hearing hingil sa automa­ted election system (AES).

Ayon kay Brillantes, ang paratang ni Chong ay kahalintulad sa kanyang naging reklamo hinggil sa umano’y dinayang balota para kay Bro. Eddie Villanueva sa General Tinio, Nueva Ecija noong 2013 senatorial elections.

Ani Brillantes, ipinakita niya mismo kay Sen. Koko Pimentel ang mga tinutukoy na physical ballots na may ilang taon na ang nakalilipas para patunayan na dinaya ang mga ito.

Ibinulgar din ng dating Comelec chairman na hawak ni Chong at ginagamit sa kanyang paglilibot sa mga lalawigan para magturo ang 353 balota na sinasabi niyang tunay at opisyal.

“May sinasabi si Atty. Chong na mga balota na sinasabi niyang authentic. Ang tanong ko sa kanya, saan niya ito nakuha,” ani Brillantes.

Hinamon din ni Brillantes ang iba pang nagsasabi na nagkaroon ng dayaan sa nakalipas na halalan na maglabas ng opisyal na resulta at patunayan na may pagkakaiba ito sa hawak ng Comelec at huwag gamitin ang simpleng isyu ng pagkakamali sa aspeto ng technical sa mga automated machines.

Payo ni Brillantes mag­­labas ng ebidensiya sa ka­nilang protesta at iwasang dumaldal nang dumaldal.

GLENN CHONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with