^

Bansa

Karapatan ng tambay ‘di maaabuso - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Karapatan ng tambay �di maaabuso - PNP
Ayon kay Albayalde, sisiguruhin ng kanyang pamunuan na hindi lalabagin ng pulisya ang karapatan ng bawat indibidwal, bilang tugon na rin aniya sa police operational procedures na sinusunod ng mga opisyal.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) director Gen. Oscar Albayalde na hindi maaabuso ang karapatang pantao ng mga tambay sa kalsada.

Ayon kay Albayalde, sisiguruhin ng kanyang pamunuan na hindi lalabagin ng pulisya ang karapatan ng bawat indibidwal, bilang tugon na rin aniya sa police operational procedures na sinusunod ng mga opisyal.

Nilinaw din ng PNP chief na matagal ng umiiral ang nasabing ordinansa, lalo na sa National Capital Region kung saan hinuhuli ang mga nag-iinom sa kalsada, at walang damit pang-itaas.

Binigyang diin naman ni Albayalde na pagsasa­bihan ng maayos ng mga magpapatrulyang mga pulis ang mga tambay at nakahubad na lalaki na magsiuwi sa kanilang mga bahay.

Kung magmatigas ang mga ito, ayon pa kay Alba­yalde saka lamang ang mga ito darakpin at dadal­hin sa himpilan ng pulisya.

“Mahirap kasi kung hindi taga doon (tambay) kaya iniiwasan po yan at inii­ngatan din natin, binibigyan natin ng seguridad lalo na yung mga dumadaan, mga nanggaling sa trabaho. Ito po yung binibigyan natin din ng pagpapahalaga sa kanila, yung seguridad nila,” paliwanag pa ni Albayalde.

Nauna ng kinontra ng Commission on Human Rights (CHR) ang direktiba ng Pangulo pagkat paglabag daw sa Saligang Batas ang pag-aresto sa sino man ng walang nakahain na warrant of arrest.

Pero depensa ng Ma­lacañang, hakbang lamang ito ng Pangulo para panati­lihing ligtas ang mga lansa­ngan mula sa mga kriminal.

Ayon kay Duterte, posibleng maging banta para sa publiko ang mga tambay sa kalye.

Para sa Pangulo, mga adik ang mga tambay at nakahubad na pagala-gala kung gabi kung saan marami umanong nangyayaring krimen.

Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PNP na paghuhulihin ang mga tambay at nakahubad na kalalakihan sa Metro Manila, pauwiin sa kanilang mga bahay at kung pasa­way ay itali saka itapon sa Ilog Pasig.

vuukle comment

GEN. OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with