^

Bansa

Bading inutas ng kelot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang ba-ding na pinagsasaksak ng isang hindi pa kilalang lalaki na kasama niyang uminom ng alak sa loob ng kaniyang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Arnold Borlongan, tinatayang 50-55 anyos, tubong Bulacan, nangu-ngupahan sa Interior A, B. Vargas St., sakop ng Brgy. 216, Zone 20, District 2, Tondo, Maynila. Nagtamo siya ng maraming tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kabilang ang mga ‘defense wounds’ o tama ng saksak na lumaban at umilag sa mga atake.

Mabilis namang tu-makas ang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ulat ni SPO3 Do-nald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 11:45 ng tanghali kama­kalawa nang madiskub­reng duguan at walang buhay ang biktima sa loob ng kaniyang kuwarto.

Sa imbestigasyon, maniningil lamang ng renta sa bahay ang isang Nenita Swing kaya sumilip sa bahagyang nakabukas na pintuan ng kaniyang silid at doon nakita na du­guan at patay na ang biktima.

Sinabi ni SPO3 Panaligan na base sa kuha ng closed circuit television (CCTV) sa lugar, nakita ang paghinto ng biktima sa isang sari-sari store at habang naghihintay sa tindahan ang kasamang lalaki (suspek). Nang bumalik na ang biktima ay dala na nito ang mga bas­yo ng beer at magkasama silang  bumili ng beer, yelo, sky flakes at century tuna.

Bandang alas- 8:55 ng gabi nang araw ding iyon ay nakita ang pag-alis ng suspek na naglakad sa direksiyon ng Antipolo at Solis Sts., Tondo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with