^

Bansa

Lalaki naipit sa pinto ng LRT

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 48-anyos na lalaki matapos itong maipit ng pintuan ng Light Rail Transit (LRT) 1 hanggang sa makaladkad kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa Adventist Medical Center ang biktimang si Julieto Eco, residente ng Tanza Cavite, sanhi ng tinamong   mga sugat at galos sa mukha at ibat-ibang bahagi ng  katawan.

Lumalabas sa report na natanggap ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi  sa kasagsagan ng rush hours sa LRT 1,  Gil Puyat Avenue Station (dating Buendia Avenue) ng naturang siyudad.

Papasok ng trabaho ang biktima at nagmamadali ito,  dahilan upang pumasok ito ng train na paalis na sana.

Naipit ng pintuan ng train ang kalahating katawan ng biktima  na nasa platform at pag-andar ay nakaladkad ito.

Nakikipag-ugnayan na ang Pasay City Police  sa pamunuan ng LRT-1 para sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with