Bagyong Gorio lumakas pa
MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong “Gorio” sa patuloy na paggalaw nito sa loob ng Philippine area of responsibility, ayon sa state weather bureau.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang pampitong bagyo ngayong taon sa 595 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Gorio ang lakas na 65 kilometers per hour at bugsong aabot sa 80 kph habang gumagalaw pa hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 13 kph.
LIVE list: Class suspensions for July 26 due to 'Gorio'
"This weather system will enhance Southwest Monsoon which will bring moderate to occasionally heavy rains over the Western Section of Luzon and light to moderate rains over the rest of Luzon and Visayas," PAGASA added.
Sa kabila nito ay wala namang nakataas na tropical cyclone warning signal sa buong bansa.
Ilang paaaralan naman ang nagsuspinde ng klase dahil sa patuloy na pag-ulan.
- Latest