Magulang parusahan
MANILA, Philippines - Ipataw na lang sa mga magulang ang parusang katapat ng krimen na kasasangkutan ng isang menor de edad.
Ito ang rekomendasyon ni ANAC-IP partylist Rep. Jose Panganiban sa gitna ng deliberasyon sa Kamara kaugnay sa panukalang ibaba sa siyam na taon ang minimum age of criminal responsibility.
Paliwanag ni Panganiban, pabor siyang ibaba ang age of criminal responsibility subalit dapat na tandaan na ang pagiging kriminal ng mga menor de edad ay maisisisi sa kanilang magulang.
Kung kailangan umanong ikulong ang bata, dapat isama dito ang magulang para pagdusahan nito ang krimen ng anak.
Pabor din dito si House Committee on Welfare of Children Chairman Divina Grace Yu na ibaba ang age of criminal responsibility subalit dapat ay sa labing dalawang taon lamang.
- Latest