^

Bansa

P6B retirement pension ng war veterans ilabas! - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of National Defense (DND) na bilisan ang pagpapalabas ng P6 billion para sa retirement pension ng mga veterans.

“I am directing DBM and DND to expedite the early release of AFP retirees’ pension,” sabi ng Pangulo.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang anunsiyo sa paggunita ng ika-75th “Araw ng Kagitingan” na isinagawa sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.

Kinilala ni Pangulong Duterte ang inalay na buhay ng mga beterano para sa kalayaan ng bayan noong Wold War ll.

Giit ng Pangulo, na kaniyang binibigyang prayoridad ang entitlements ng mga beterano, habang ang mga surviving veterans naman ay lubos ang naging paghihirap.

“We are prioritizing your [veterans] entitlements. Our surviving veterans have suffered much. They should not suffer more,” wika ng Pangulo.

Labis namang ikinatuwa ng mga beterano ang anunsiyo ng Pangulo dahil malaking tulong umano ito para sa kanila lalo na sa pagbili ng kanilang mga pangunahing panga­ngailangan.

Inihayag din nito na sa ngayon ay magka-alyado na ang Pilipinas at Japan lalo na sa pagsusulong ng peace and development.

Aniya, ang anumang hindi pagkakaunawaan ay kailangang ma-settle sa mapayapang paraan.

Kasama ng Pangulo na nag-alay ng bulaklak sa Dambana ng Kagitingan ay sina Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa at US charge ‘d affairs Michael Klecheski, ng US Embassy.

vuukle comment

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with