^

Bansa

Senado balik sesyon sa Lunes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Balik-sesyon ang Senado sa Lunes kung saan inaasahang uunahin ng mga senador ang pagtalakay sa nakabinbing 2017 national budget na kinakailangang maipasa at maging ganap na batas bago matapos ang taon.

Ayon kay Senate Pre­sident Koko Pimentel, prayoridad nila na maipasa ang 2017 General Appropriations Act (GAA) o ang P3.35 trilyong national budget.

Kabilang rin sa nakahanay na panukala ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpapabilis sa pagresolba ng problema sa trapiko.

Ayon kay Pimentel, ipapasa nila ang pinal na bersiyon ng panukalang 2017 national budget sa ikatlo at huling pagbasa sa huling linggo ng Nobyembre.

Ang 2017 GAA ay 11.6 porsiyentong mas mataas kumpara sa P3.002 trillion national budget ngayong taon.

Apatnapung porsi­yento (40%) ng tinata­yang P1.345 trilyon ay ilalaan sa social services katulad ng edukasyon, culture, health, social security, housing at land distribution.

Nauna ng naipasa ng House of Representatives ang kanilang bersiyon ng national budget noong Oktubre 17, 2016.

Ang iba pang priority legislation na inaasahang tatalakayin ng Senado ay ang panukalang magtatapos sa “endo” o labor contractualization, ang SIM Card Registration Act, Amendments sa Bank Secrecy Law at ang pag-adjust sa indexation ng income tax rates.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with