^

Bansa

JV 90 days suspendido - SC

Malou Escudero, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Korte Suprema ang suspension order na ipinataw ng Sandiganbayan Fifth Division laban kay Senador JV Ejercito.

Sa ipinalabas na reso­lusyon ng SC First Division, bigo ang mga petitioner na mapatunayan na may nagawang pagmamalabis sa kanilang tungkulin ang Sandiganbayan ng ipalabas ang suspension order laban kay Ejercito at kasama nitong akusado na sina Ranulfo Dacalos at Romualdo Delos Santos.

Nag-ugat ang pagsuspindi ng Sandiganbayan kay Ejercito dahil sa kasong graft na isinampa sa kanya kaugnay sa maano­malyang pagbili ng high-powered firearms nuong 2008 noong siya pa ay nanunungkulan bilang alkalde ng San Juan City.

Ang pondo umano na ginamit sa pagbili ng mga riple ay galing umano sa calamity fund ng lungsod.

Malinaw umanong nakasaad sa Section 13 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na obligadong patawan ng suspensyon ang sinumang nakaupong opisyal na kinasuhan sa korte ng paglabag sa nasabing batas.

Sanhi nito, idinismis ng SC ang hirit na temporary restraining order ng mga petitioner laban sa pagpapatupad ng suspension order. 

Samantala sa isang text message, sinabi ni Ejercito na ayaw niyang idamay ang Senado sa anumang kontrobersiya kaya magbabakasyon na lamang siya.

“I want to spare the Senate from any controversy so I will go on ‘forced vacation,” ani Ejercito.

Pero nilinaw niya na susundin niya ang ipinalabas na suspensiyon hindi dahil guilty siya kung hindi dahil nais niyang ipakita ang res­peto at paggalang sa mga korte.

Ayon pa sa senador, malinis ang kanyang konsensiya at kung mapaparusahan siya dahil nais lamang niyang proteksiyunan ang kanyang mga constituents ay tatanggapin niya ito.

vuukle comment

SUSPENDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with