Pagyoyosi, mental problem - DOH

Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2016 - 7:28pm

MANILA, Philippines - Itinuturing na mental problem ni Health Sec. Paulyn Jean Ubial ang paninigarilyo.

Sinabi ni Ubial na nasa pag-iisip lamang ng  bawat smoker ang paninigarilyo na humahantong sa isang uri ng addiction sa nicotine.

Ayon kay Ubial, dapat na tigilan ng mga smokers ang  paninigarilyo para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilya. 

Target umano ng DOH ang paninigarilyo ng  nasa edad 15- 54. Lumilitaw na 10 smokers ang namamatay kåda oras.

Bunsod nito, inilunsad ng DOH ang malawakang kampanya nito kontra paninigarilyo na may temang “protect your family, stop smoking”.

Ipinalalabas na ngayon sa national television, radyo, social media at maging sa mga electronic billboards sa mga pangunahing kalsada ang nasabing ads.

Ipinapakita ang isang tatay na may sakit dahil sa paninigarilyo dahilan para mapilitan ang kanyang anak na babae na tumigil mag-aral at magtrabaho para tustusan ang kanilang pamilya.

YOSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with