‘Marijuana’ pinapayagan ng FDA - DOH
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na ang “compassionate use” ng marijuana ay pinayagan ng  Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni Sec. Ubial,  pinapayagan naman ng  batas ang paggamit ng  marijuana  subalit kailangan ang  special permit mula sa FDA.

Nilinaw ni Sec. Ubial na umaabot sa may 400 kemikal ang marijuana at isa lamang dito ang may health benefits ang cannabidiol (CBD). 

Ayon kay Ubial, may nakahain ng panukala sa Senado at House of Representatives para gawing legal ang cannabis.

“Sinasabi po namin to the groups that want to make it or use it for medical purposes, meron po tayong parang way in our law, FDA law for humanitarian or for special cases so they can ask exemptions from the FDA if they are going to use marijuana for medical purposes,” ani Ubial.

Sa kanya ring pagkakaalam ay may mga  doktor na nagrerekomenda sa kanilang pasyente ng paggamit ng  marijuana subalit wala naman umanong natatanggap na applications  para sa special permit ang  FDA para dito.

Ang  komento ni  Ubial ay bunsod naman ng pahayag ng aktor na si Mark Anthony Fernandez  na gumagamit ng  marijuana upang  maiwasang magka-kanser.

Bahala na umano ang Dangerous Drugs Board (DBB) na mag-assess sa  dami ng marijuana na nakumpiska sa aktor.

Pinapayagan ang marijuana  sa ilang bansa tulad ng Colombia, Costa Rica, at Mexico.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with