^

Bansa

Pagmimina ng ‘black sand’ pinatitigil ni de Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Leila de Lima na magkaroon ng batas na tuluyang magbabawal sa pagmimina ng ‘black sand’ o itim na buhangin.

Sa panukalang batas na inihain ni de Lima, sinabi nito na hindi nakakabuti sa kalikasan ang patuloy na pagmimina ng magnetite na mas kilala sa tawag na ‘black sand’.

Ayon kay de Lima, sina­samantala ng ilang mining companies ang kawalan ng batas na direktang nagbabawal sa pagmimina ng ‘black sand’ kung saan kinakailangan lamang na kumuha ng dredging permits para sa kanilang ope­rasyon.

Sinabi ni de Lima, ang pagmimina ng buhangin ay laganap sa iba’t ibang panig ng bansa na nakakasira hindi lamang sa kalikasan kung hindi maging sa kabuhayan ng mga tao.

“At dahil sa black sand mining kumokonti ang huli ng ating mga mangingisda, at ang mga komunidad sa tabing-dagat ay nakakaranas ng pagguho ng lupa at pagbaha. Darami pa ang magdurusa kung hindi natin ito ipagbabawal,” ani de Lima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with