^

Bansa

Menorca nasa Vietnam - Immigration

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Lunes na lumabas ng bansa ang itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) matapos maiulat na nawawala kasama ang pamilya.

Ayon sa BI, ganap na 10:45 kagabi lumipad patungong Ho Chi Minh City sa Vietnam si Lowell Menorca II, asawang si Jinky Otsuka-Menorca at ang kanilang anak na batang babae.

Hindi nakadalo sa pagdinig sa Court of Appeals kaninang umaga si Menorca, kung saan sinabi ng abogado niyang si Trixie Angeles na siya ay nawawala at huling nakausap kagabi bandang alas-8.

Umalis ng bansa si Menorca at ang kaniyang pamilya dahil sa banta umano sa buhay ng kaniyang anak.

Nakaalis ng bansa si Menorca sa kabila ng hold departure order laban sa kaniya, ngunit ayon kay Angeles ay pinayagan din kalaunan ang kaniyang kliyente na lumipad.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with