^

Bansa

Itiniwalag na ministro ng INC, pamilya nawawala – abogado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos makatanggap umano ng death threat, nawawala ang itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II at ang kaniyang pamilya, ayon sa abogado niya ngayong Lunes ng umaga.

Nakatakdang humarap sa Court of Appeals si Menorca ngunit tanging ang abogado niya lamang ang dumalo at sinabing hindi niya mahagilap ang kaniyang kliyente at pamilya nito.

Hindi naman pinaniwalaan ng INC ang sinabi ng abogado na alas-8 ng Linggo ng gabi ang huling pag-uusap nila ni Menorca.

BASAHIN: Itiniwalag na ministro sa INC: Sana matigil na ang kidnapping at illegal detention

Ayon sa grupo, kuwestiyonable ang pahayag ng abogado gayung nakapag-post sa Facebook si Menorca tungkol sa umano’y banta sa buhay ng kanilang anak alas-4 ng madaling ng Lunes.

Nakatanggap umano si Menorca ng isang larawan, kung saan may “x” mark ang mukha ng kaniyang babaeng anak at may nakalagay na “say goodbye.”

Umapela ang itiniwalag na ministro sa mga nagbabanta sa kanila na lubayan ang kaniyang mga mahal sa buhay.

"Somebody left this at the windshield of our car in our safehouse," nakasaad sa caption ni Memorca sa kaniyang post.

BASAHIN: Itiniwalag na ministro inalok umano na umalis ng Pinas at manahimik

"This time they have gone too far. I'm begging you... please leave my daughter alone!!!," patuloy niya.

Ayon sa ulat ay nais umalis ng bansa nina Menorca ngunit hindi magawa dahil sa hold departure order laban sa kaniya. Kalaunan ay nakaalis umano si Menorca.

Iniutos na ng korte sa Philippine National Police at Bureau of Immigration na hanapin sina Menorca.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with