^

Bansa

P9.68 bilyong droga sa Batangas ‘di nabawasan – Abalos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P9.68 bilyong droga sa Batangas �di nabawasan � Abalos
Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos on February 23, 2024.
STAR / Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Nanindigan si Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na hindi nabawasan ang P9.68 bilyong ilegal na droga na nakum­piska sa Alitagtag, Batangas.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, ipinunto ni Abalos may tatlong representante na kinabibilangan ng Department of Justice, Barangay Captain, at ang media nang i-check ang nakumpiska.

Inamin naman ni Dela Rosa na “satisfied” siya sa naging paliwanag ni Abalos sa pagdinig.

Ayon kay Dela Rosa, wala namang motibo na bawasan ang droga dahil an­dun ang DILG Secretary, ang chief ng Philippine National Police, at ang mga testigo na lumagda sa inventory.

Sa paningin ni Dela Rosa ay na “overjoyed” lang ang mga awtoridad sa pagdeklara ng nakumpiskang illegal na droga dahil sa rami nito na aniya’y hulog ng langit.

Kumpiyansa rin ang senador na nagkamali lamang ng estimate o pagkalkula sa una ang mga otoridad.

“Satisfied ako. Wala naman sigurong motibo, nandoon ‘yung Secretary, nandoon ‘yung chief PNP. Wala naman sigurong motibo na mag saving. Napakababaw naman mag-saving sila ng droga. Talagang maliit lang ‘yung estimate talaga, Masyadong malayo ‘yung estimate. Siguro na overjoyed lang sila na malaking  hulog ng langit na accomplishment ‘yon. Na-over estimate lang nila para magandang accomplisment ang lalabas. Pero lumabas naman na totoong weight na ganoon lang. Actual weight pagkatapos na matimbang,” ani Dela Rosa.

Sa naturang pagdinig itinanggi ni Abalos na may anomalya na nabawasan ang nakumpiska na 1.424 Tonelada na shabu na nagkakahalaga ng P9.68 Bil­yon sa Alitagtag, Batangas.

Ipinakita rin ni Abalos ang mga videos sa aktuwal na paghuli sa isinagawang checkpoint operation na ikinaaresto ng suspect nasi Alajon Michael Zarate noon April 15,2024 pasado alas 7:30 ng umaga.

Ipinakita sa video na mismong ang suspect ang pinagbukas ng likuran bahagi ng van kung saan nakalagay ang kontrabando at tinawag ang mga testigo na kinabibilangan ng prose­cutor, barangay captain at media representative.

Aniya, bukas sa publiko ang isinagawang operasyon at ang inventory ng ipinagbabawal na droga kung saan doon mismo isinagawa ang inventory na nasaksihan ng mga tao sa lugar.

vuukle comment

BENHUR ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with