^

Bansa

Revilla ‘di pinayagan sa debut ng anak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutulan ng pro­sekusyon ang hiling ni detained Sen. Bong Revilla na makapunta sa pagdiriwang ng 18th birthday party ng anak nitong babae sa Sabado ng gabi, Okt. 24, 2015.

Nakasaad sa mosyon ni Revilla na upang mai­sagawa ang obligasyon bilang ama, nais nitong makadalo sa kaarawan ng anak na si Ma. Fraznel Loudette Bautista  sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa mula alas-7 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Sa pagbusisi ng Sandiganbayan First Division sa mosyon ni Revilla sinabi ni lead prosecutor Joefferson Toribio na hindi dapat payagan ang hiling ng una dahil sa kakulangan ng merito.

Kapag pinagbigyan umano ang gusto ni Revilla ay lilikha lamang ito ng haka-haka sa publiko na mayroong bilanggo na  pinapaboran dahil sa isa itong mambabatas.

Si Revilla ay patuloy na nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, QC kasama si detained Sen. Jinggoy Estrada dahil sa kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.

vuukle comment

ACIRC

BELLEVUE HOTEL

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

FRAZNEL LOUDETTE BAUTISTA

JINGGOY ESTRADA

JOEFFERSON TORIBIO

REVILLA

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

SI REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with