^

Bansa

Nagpatakas sa Reyes bros. sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na mapatunayang sangkot sa pagpapatakas kina dating Palawan Governor Mario Joel Reyes at kapatid na dating Coron Mayor Mario Reyes, na umano’y utak sa pagpaslang sa brodkaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega sinibak ng Department of Justice ang dalawang kawani ng Bureau of Immigration.

Batay sa Administrative order ng DOJ, napatunayang sangkot sina Rogelio Udarbe Jr., Admi­nistrative Aide III at Wesley Gutierrez, Security Guard 1 na nasa likod ng pagpapatakas kay Reyes.

Si Udarbe ay nahaharap sa mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at parusang pagkakatanggal sa serbisyo at pagkakansela sa lahat ng kanyang benepisyo

Napatunayan ng BI na si Udarbe ang nangasiwa para sa pagpapatakas kay Reyes patungong Vietnam noong March 18, 2012.

Kinasuhan din si Gutierrez ng Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.

Si Gutierrez ang Immigration officer na na­ngasiwa sa pasaporte ni Reyes kahit na peke ito o tampered.

BEST INTEREST OF SERVICE

BUREAU OF IMMIGRATION

CONDUCT PREJUDICIAL

CORON MAYOR MARIO REYES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR. GERRY ORTEGA

GRAVE MISCONDUCT

GROSS NEGLECT OF DUTY

PALAWAN GOVERNOR MARIO JOEL REYES

REYES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with